Nakabuo na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng Implementing Rules And Regulations (IRR) para sa land use conversion.
Ang task force ay binuo para pabilisin ang proseso ng pag-convert ng agricultural lands patungong residential, commercial at industrial use.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, inatasan na niya ang field operations office na bumuo ng mga proposal para sa pagpapagaan ng proseso ng land acquisition at distribution.
Target ng DAR na makumpleto ang land acquisition and distribution program sa taong 2022.
Facebook Comments