IRR para sa Mental Health Law, tatalakayin ng DOH ngayong araw

Manila, Philippines – Tatalakayin ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Mental Health Law o Republic Act 11036.

Alinsunod sa batas, kailangang bumuo ng bagong dibisyong ekslusibo para sa mental health services.

Sisikapin din ng ahensya na magkaroon ng gusali para sa mga barangay health workers na tutulong sa mga residenteng nangangailangan naman ng payo hinggil sa mga nararanasan nilang problema gaya ng away mag-asawa at nagrerebeldeng anak.


Isasalang din sa professional assessment ang mga voluntary drug surrenders na posibleng nagkaroon ng metal illness dahil sa drug addiction.

Bukod sa PhilHealth, magsasagawa rin ng konsultasyon ang DOH sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Department of Education (DepEd) para mapalakas ang mental health education sa mga paaralan at work offices.

Facebook Comments