IRR para sa Mobile Number Portability Act, binubuo na

Manila, Philippines – Binubuo na ang Implementing Rules and Regulation o IRR ng Mobile Number Portability Act.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr., mayroon 90 araw ang National Telecommunications Commission o NTC para makumpleto ang IRR bago tuluyang ipatupad ang nasabing batas.

Sa ilalim ng batas – pwede pa ring magamit ang kaparehong cellphone number kahit na lumipat ng network service ang subscribers.


Kapag natapos na ang lock in period – pwede ng lumipat ang subscribers at kailangang ma-active ang number sa bagong network sa loob ng 24 na oras.

Facebook Comments