Inilabas na ng Malakanyang ang Joint Memorandum Circular No. 2023-01 sa mga kinauukulang kagawaran, tanggapan at ahensiya na may kaugnayan sa nai-release ng Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad ng Executive Order No. 32.
Ito ay ang “Streamlining the Permitting Process for the Construction of Telecommunications and Internet Infrastructure.”
Ang IRR na inilabas ay binuo ng technical working group na binubuo ng iba’t Ibang ahensiya ng gobyerno partikular mula sa DICT, Anti-Red Tape Authority, National Telecommunications Commission, DPWH at DILG.
Ilan sa nakasaad sa IRR ay ang requirements para sa pagtatayo ng poles at konstruksiyon ng underground fiber ducts, cable layout at iba pang physical infrastructure gayundin ang operasyon, repair at maintenance ng telecommunications tower infrastructure kabilang ang distribution utility facilities.
July 4 ngayong taon inilabas ng Malakanyang ang EO 32 na magpapaikli sa proseso ng pag-iisyu ng permits, licenses, at certificates para sa construction ng telecommunications and internet infrastructures.