IRR para sa pangangampanya sa 2022 election, target tapusin ngayong Oktubre

Tinatarget na ng Commission on Elections (Comelec) na tapusin ngayong Oktubre ang panuntunan sa pangangampanya para sa 2022 election sa gitna ng pandemya.

Sa Joint Congressional Oversight Committee hearing sa Automated Election System, sinabi ni Senator Imee Marcos na siyang chair of Senate electoral reforms panel na mayroon pang panibagong joint hearing ang isasagawa ng Senado.

Pag-uusapan dito ang mga implementing rules and regulations sa pangangampanya.


Kasabay nito, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo ang pagkumpleto sa panuntunan kasabay ng patuloy na paghingi ng rekomendasyon sa ilang eksperto mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang filing ng certificate of candidacy ay magaganap ngayong araw, October 1 hanggang 8 na susundan ng pagpapalawig ng voter registration mula October 11 hanggang 30.

Facebook Comments