IRR sa libreng tuition sa mga kukuha ng medical course sa walong SUC’s, pirmado na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa subsidy ng pamahalaan sa matrikula ng mga medical students.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero De Vera – sakop lamang ng libreng matrikula ay ang walong State Universities at Colleges na may kursong medikal.

Kabilang sa walong SUC’s na saklaw ng nasabing kautusan ang sumusunod:


Mariano Marcos State University (Ilocos Norte), University Of Northern Phils Sa (Ilocos Sur), Cagayan State University, University Of The Philippines (Lungsod Ng Maynila), West Visayas State University (Iloilo), Mindanao State University (Marawi At Iligan), Up School Of Health And Sciences (Palo, Leyte).

Facebook Comments