Manila, Philippines – Hindi pa ngayon lubusang maipaliwanag ng Palasyo ng Malacanang kung paano ipatutupad ang batas na magpapalawig ng validity ng Philippine Passport ng hanggang 10 taon.
Batay kasi sa nasabing batas o sa Republic Act number 10928 ay mayroon pang posibilidad na hindi ibigay ng Department of Foreign Affairs ang buong 10 taon ng validity ng Philippine Passport kung mayroong issue sa economic interest ng bansa o political stability.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary ana Marie Banaag, mas magandang hintayin nalang ang bubuuing Implementing Rules and Regulations o IRR ng DFA upang maging malinaw ang pagpapatupad ng nilagdaang batas.
Nilagdaan narin ni Pangulong Duterte ang Republic Act number 10929 o ang batas na magbibigay ng free public internet access para sa mga Pilipino at ang RA number 10930 o ang batas na magpapalawig ng validity ng drivers license ng hanggang 5 taon.
IRR sa RA number 10928, dapat hintayin nalang para maging malinaw ang pagpapatupad ng batas
Facebook Comments