"IRRELEVANT" | Patutsada ni CPP Founder Joma Sison laban kay Pangulong Duterte at sa pamilya nito, dinedma lang ng Malacañang

Manila, Philippines – Dedma ang Malacañang sa mga patutsada ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Unang sinabi ni Sison na ang anak ni Duterte na si Paolo ang pinakamalaking protektor ng drug trade sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi karapat-dapat na bigyan ng komento ang mga pinagsasabi ni Sison lalo na at itinuturing nila si Sison na “irrelevant” dahil suspindido ngayon ang usapang pangkapayapaan.


Matatandaan na una nang ipinagpaliban ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) noong June para mabigyan ito ng karagdagang panahon para konsultahin ang mga stake holder tungkol sa dayalogo sa grupo ni Sison.

Tinawag naman ni Paolo Duterte si Sison na isang sinungaling na tao kung saan inihalintulad niya ito sa isa umanong anti-Duterte senator.

Facebook Comments