“IRREPLACEABLE” | Julia Barreto at Joshua Garcia, ibinahagi kung paano nila naging close si Sharon Cuneta

Manila, Philippines – Ikinuwento ng mag-boyfriend na sina Joshua Garcia at Julia Barretto kung paano sila naging close sa megastar na si Sharon Cuneta.

Ito ay sa kabila ng isyu hinggil sa naging pahayag ng Megastar na siguradong mamahalin din niya si Kathryn Bernardo pero mananatili daw na “irreplaceable” para sa kanya sina Josh at Julia.

Say ni Julia, natutunan nilang irespeto at mahalin si Ate Shawie matapos nila itong makasama sa movie last year kung saan na-touch sila ni Josh sa suporta at pag-aalaga na ibinigay nito.


Thankful din sina Josh at Julia dahil bihira daw na ang isang sikat na katulad ni Sharon ay kanilang makakalapit kung saan “mama” na ang tawag nila dito.

Facebook Comments