Irrevocable resignation ni BuCor Chief Delos Santos, ipapadala na ng DOJ sa Office of the President

Manila, Philippines – Ipapadala ngayon ng Department of Justice sa Office of the President ang irrevocable resignation ni retired Police General Benjamin De Los Santos bilang Bureau of Corrections Director General.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kahapon natanggap nila ang resignation ni De los Santos.

Nagpapasalamat naman ang kalihim kay De Los Santos na naglingkod sa gobyerno sa ngalan ng serbisyo publiko.


Umaasa din aniya siya na magtatagumpay ang opisyal sa kung ano man ang bagong career na kanyang tatahakin.

Si De los Santos ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa BuCor nuong November 2016.

Facebook Comments