Agarang kinumpuni ng National Irrigation Administration (NIA) ang nasirang connecting pins ng Macañao sluice gates sa Namnama, Cabatuan, Isabela na sinira ng nagdaang malalakas na ulan.
Ang Macañao checkgate ay ang water reuse irrigation structure na nagbibigay ng irigasyon sa may 4,882 ektaryang agricultural lands sa mga bayan ng Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Naguillan at bahagi ng Cauayan City sa Isabela.
Ayon sa NIA,ang irrigation structure ay may walong rectangular sluice gates at binubuksan para makapagbigay ng irrigation requirement sa mga sakop na lugar.
Pero dahil sa nangyaring monsoon rains noong November 27 hanggang 28, bumigay ang sluice gates dahil sa pressure ng tubig nang umapaw ang Macañao, Gaddanan at Florida creeks at lima pang drainage mula sa San Mateo at Alicia.
Tiniyak ni NIA Administrator Ricardo Visaya na muling bubuksan ang operasyon ng pasilidad kung kinakailangan sa sandaling matapos na ang repair works.