Irrigations assets ng pamahalaan sa buong bansa, pinasusuri ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang National Irrigation Administration (NIA) na pag-aralan ang iba pang irrigation assets ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon sa pangulo, ito’y upang matukoy ang maaaring matayuan ng power generation facilities na makakatulong sa pagbawas ng gastos ng mga magsasaka.

Bukod dito, iniutos din ni Pangulong Marcos sa NIA ang rehabilitasyon at modernisasyon ng Magat Dam para mas gumanda ang serbisyo sa mga magsasaka sa Isabela at Cagayan Valley.


Pinalalagyan ng pangulo ng solar panel ang dam para magamit sa power generation at iba pang maaaring pakinabangan sa dam.

Nabatid na ang Magat Dam ay ginawa noong 1975 sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at pangunahing pinagkukunan ng irigasyon ng 85,000 ektarya ng mga palayan sa Cagayan Valley.

Facebook Comments