ISA ARESTADO AT ISA NAKATAKAS, MATAPOS NA NAAKTUHANG NAG NAGPA POT SESSION SA BAYAN NG MANAOAG

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito matapos silang naaktuhang nagpa pot session sa bayan ng Manaoag.
Nakilala ang nahuling suspect na si Ryan Legazpi habang pinaghahanap pa ang kasama nito na nakilalang si Frank Tacaca.
Naganap ang insidente pasado alas onse na ng gabi sa Barangay Baritao sa nasabing bayan ng may nagreport sa PNP na may nagaganap na pot session sa nasabing Barangay.

Agad naman itong tinungo ng mga kapulisan at pagdating doon ay naaktuhan pa ang dalawa na nagpapa session kumaripas ng takbo ang dalawa kung saan na corner ang isa sa nasabing mga suspek na si Legaspi habang naka takas naman si Tacaca.
Nakuha mula kay Legazpi ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at apat na sachet na may shabu residue at Ilan pang mga illegal drug paraphernalia.
Sa gayon ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nasabing mga suspek habang pinaghahanap pa si Tacaca. |ifmnews
Facebook Comments