Isa na namang estudyante nawawala, pamilya nangangamba na matuald ang anak sa sinapit nila Kian at Carl

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng Facebook ay humihingi na ng tulong ang pamilya ng dinukot na si John Angelo ‘Jolo’ Balicoco.

Si Balicoco ay pwersahang tinangay at isinakay sa isang van sa EDSA QC, malapit sa MRT-GMA kamuning station dakong alas-sais ng gabi noong araw ng linggo.

Ayon kay Mrs. Natividad Iñigo, tiyahin ni Jolo, galing ng kanilang bahay sa Plaridel Bulacan at patungo sana ng Saint Paul College sa Balayan Batangas nang mangyari ang pagdukot.


Sa ngayon patuloy ang kanilang pag kalap ng impormasyon pero wala pang lead ang QCPD kung ano na ang kinahinatnan ng biktima na anak ng isang abogado ng QC Regional Trial Court.

Samantala ayon kay QCPD District Director P.Chief Supt. Guillermo Eleazar tuloy tuloy ang koordinasyon nila sa tatay ng biktima.

Facebook Comments