Isa na namang Immigration officer na nagngangalang Abdum Rahman Umpar ang inireklamo ng isang pasaherong Filipino-Japanese dahil sa magaspang na pag-uugali nito.
Sa kanyang complaint letter, sinabi ni Shotaro Nakano na nitong Sabado ng madaling araw nangyari ang insidente sa Immigration Foreign Passport counter.
Ayon kay Nakano, unang hinagis ni Abdum Rahman Umpar ang kanyang passport dahil hindi niya inalis ang cover nito.
Lalo pa aniyang nagalit sa kanya ang Immigration officer nang makita nito na ang kanyang Japanese passport ay hindi naka-downgrade ang stamp para sa 9F Visa.
Sinubukan din aniya niyang tawagan ang kanyang ama subalit sinita siya ni Abdum Rahman Umpar dahil bawal daw gumamit ng cellphone sa Immigration area.
Facebook Comments