Siya ang 45-anyos na si Samuel Santos ng Sta. Mesa Heights, Banawe, Quezon City.
Sa interview ng RMN Manila kay Samuel, sinabi niyang halos pitong buwan na siyang naghahanap ng trabaho matapos mag-resign bilang liason officer sa dating pinapasukan.
Kwento ni Samuel, talagang nahirapan siyang maghanap ng trabaho dahil na rin sa kanyang edad — hanggang sa mapakinggan ng kanyang nanay na si Conrada Santos ang Job Openings ng DZXL Radyo Trabaho.
Makalipas ang ilang linggo sa pangungulit na rin ng kanyang nanay ay nagsadya na si Samuel sa ating himpilan para subukan na mag-apply — at sa tulong ng Radyo Trabaho team ay na-endorse siya bilang messenger sa STBN Manpower Agency.
At makaraan ang dalawang linggo ay agad siyang na-absorb na messenger at bilang regular employee sa isang law firm sa Annapolis, Greenhills.
Lubos lubos naman ang pasasalamat ni Samuel sa lahat ng bumubuo ng DZXL Radyo Trabaho team at nangakong pagbubutihan niya ang kanyang trabaho.
Sa mga gusto rin na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming Radyo Trabaho hotline – 882 2370 o magpadala ng mensahe sa Radyo Trabaho textline 0967-372-9017…
Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!