Isa na namang negosyante sa North Cotabato, patay sa pamamaril!

Sa halip na magsaya dahil pasko, nagluluksa ngayon ang isang pamilya makaraang masawi ang kanilang padre de familia sa naganap na pamamaril-patay sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato,.
Napag-alaman na nasa pag-aari nitong lumberyard ang biktimang si BASIT BUNDAS KARIM, 50 years old, may-asawa, Purok President at residente ng Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan nang biglang sumulpot ang riding in tandem criminals at bigla na lamang umanong pinagbabaril ang biktima.
45 pistola umano ang ginamit na armas ng mga suspek sa pamamaril, parang kidlat sa bilis nang sumibat ang mga ito patungo sa di napag-alamang direksyon.
Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang tatlong basyo ng bala.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng Kabacan PNP kaugnay ng krimen.
Nitong mga nakaraang buwan ay sunod-sunod ang insidente ng pamamaril-patay sa lalawigan kung saan ilan sa mga ito ay negosyante kabilang na ang dalawang Indian nationals.

Facebook Comments