Isa na namang negosyante sa North Cotabato, pinagbabaril-patay!

Iniimbestigahan pa ng mga imbestigador ng Pikit Municipal Police Station sa pangunguna ni Chief Invistigator Police Officer Mangelen ang pamamaril-patay sa isang negosyante sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Ang biktimang si Omar Akmad Ulangkaya, 38 anyos, may asawa, negosyante, residente ng Poblacion, Pikit ay galing umano sa isang pawnshop sa pamilihang bayan ng Pikiy kaninang umaga upang magsangla ng alahas nang paglabas nito ay sinundan ng mga naka-bonnet na suspek na sakay ng single motorcycle.
Hindi pa umano gaanong nakakalayo ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek.
Mabilis namang tumalilis ang mga kriminal habang kaagad ding isinugod sa pagamutan si Ulangkaya ngunit sa kasawiang palad ay idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Napag-alaman na sa unang linggo lamang ng buwan ng Ramadhan at tatlo na ang naitalang pamamaril sa bayan ng Pikit.
Personal grudge umano ang motibo ng mga krimen.(with report from:Jessie Ali)

Facebook Comments