Isa na namang pasaherong Chinese, nakunan ng mga basyo ng bala sa NAIA

Manila, Philippines – Isa na namang Chinese passenger ang nahulihan ng mga basyo ng bala sa NAIA 2.

Kinilala ang Chinese national na si Cheng Li Tan.

Ayon sa naturang pasahero, ang walong basyo ng bala ay kinolekta niya bilang souvenir items.


Agad naman pinayagan ang Chinese passenger na makalipad patungong Macau matapos na makumpiska ang mga basyo.

Noong Linggo, isa ring Chinese national ang nakunan ng bala sa NAIA.

Facebook Comments