Isa na namang POGO, sinalakay ng awtoridad ngayong umaga sa Parañaque

Sinalakay ng mga awtoridad ang isa na namang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Aseana Business Park sa may Parañaque City ngayong umaga.

Ayon kay Presidential Anti- Organized Crime Commission Usec. Gilbert Cruz, wala umanong lisensya ang nasabing POGO upang mag-operate, wala rin daw umanong documents ang ilang empleyado na naabutan sa gusali.

Aniya, sobra rin umano ang mga empleyadong naabutan kumpara sa bilan ng tamang bilang na nagtatrabaho roon, imbes kasi na 900 ay nasa 2,000 ang naabutan ng mga awtoridad.


Sa pagpasok ng Southern Police District (SPD) at Philippine Anti-Organized Crime Commission, nadiskubre rin ang pinaghihinalaang prostitution den sa parking lot ng gusali.

Tumanggi naman na magbigay ng impormasyon ang mga babaeng naabutan sa building na lahat ay mga Pinay.

Bukod pa rito, nadiskubre rin ang mga desktop at gaming room maging ang private room o spa room na ginagamit sa prostitution.

Samantala, sasampahan ng kaso ang mga namamahala at may-ari ng mismong POGO, ng kasong paglabag sa human trafficking, immigration violation at labor trafficking.

Facebook Comments