Isa na namang proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build”, binuksan na sa publiko

 

Opisyal na binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mas malawak na Friendship Bridge sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga.

 

Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang Inauguration Ceremony kasama ang ilang opsiyales ng Pampanga at ng DPWH-Pampanga.

 

Aabot sa 122.5 million pesos ang halaga ng 24p lineal meters ang friendship bridge at bahagi ito ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.


 

Ang nasabing tulay ay inaasahang magbibigay ng solusyon sa trapiko sa Friendship Circumferential Road o mas kilala bilang West Circumferential Road.

 

Ayon kay Villar, ang 2 lanes na karagdagang tulay daanan ang siyang magiging solusyon para sa mas maayos na biyahe ng mga motorista at pasahero na papunta sa mga lungsod ng San Fernando at Angeles City, kabilang ang Clark Freeport Zone, at Porac town.

 

Dahil sa widened road at bridge, ang biyahe mula San Fernando City papuntang Clark via Friendship Circumferential Road ay mababawasan na ng 30 hanggang 20 minutos.

Facebook Comments