Hindi pa rin nailalabas ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang tatlong indibidwal na na-trap sa isang bahay.
Ito’y matapos bumagsak ang isang malaking puno ng Balete sa gilid ng Estero de Magdalena malapit sa kanto ng Recto Avenue at Reina Regente sa Maynila.
Sa paunang imbestigasyon, posibleng bumagsak ang puno dahil sa biglaang pag-ulan kung saan hindi pa naman mabatid kung ilang bahay ang nadamay.
Pawang mga lalaki ang na-trap sa loob na kinabibilangan mg isang menor de edad.
Unang nailabas ng mga rescuer ang isang 14-anyos na dalagita na kasalukuyan dinala sa ospital.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD) Station-11, nangyari ang insidenge bandang alas-12:30 ng madaling araw kung saan halos pitong oras na na-trap ang tatlo.