Isa ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Egay sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay NDRRMC Deputy Spokesperson Diego Mariano, nagmula ang biktima sa Cardona, Rizal na hinihinalang nasawi sa flashflood.
Habang may naiulat din na dalawang nasaktan sa CALABARZON at Region 6.
Umakyat na sa 44,356 pamilya o 180,439 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula sa 261 barangay sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 10 at 12.
Facebook Comments