ISA NASAWI, ISA NAILIGTAS SA PAGKALUNOD SA PANGASINAN NGAYONG SEMANA SANTA

Nakapagtala ng isang kaso ng pagkalunod at isang muntik nang malunod ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa Pangasinan noong Semana Santa.

Ayon ay PDRRMO Emergency Operations Head Pia Flores, nangyari ang insidente ng pagkalunod noong April 3 sa isang irrigation sa bayan ng Natividad. Tinatayang nasa edad 30 ang biktima at isang bisita, ngunit patuloy pang kinukumpirma ang iba pang detalye.

samantala, isang lalaki naman na nasa edad 40 ang muntik nang malunod noong april 4 sa sual, ngunit agad itong nasagip at naitakbo sa ospital.

sa kabila nito, sinabi ng PDRRMO na mas mababa ang bilang ng insidente ngayong taon kumpara noong nakaraang semana santa, kung saan limang kaso ng pagkalunod at tatlong muntik nang malunod, ang naitala.

Karamihan naman sa mga naitalang insidente ay dulot ng aksidente sa dikya o jellyfish, partikular sa Dagupan City, Binmaley, at Estanza beach sa Lingayen.

Samantala, sa Dagupan City, namataan naman kahapon ng hapon, April 6, 2026 ang katawan ng isang babaeng hinihinalang nalunod.

Mananatili sa blue alert status o mataas na alerto ang buong lalawigan hanggang ngayong araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments