
Isa ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Malabon.
Nai-report ang sunog sa Bureau of Fire Protection (BFP) bandang 12:40 sa bahagi ng Kaunlaran at sa Barangay Muzon.
Umabot ito sa unang alarma at idineklarang kontrolado na bandang alas-1:22 ng hapon.
Isang bahay ang natupok at tatlong pamilya ang nawalan ng matitirhan.
Ayon sa BFP Malabon, ang nasawi ay isang 78 anyos na lalaki.
May dalawa pa na nasugatan sa nangyaring sunog.
Facebook Comments









