Isa nawawala, isa sugatan, dahil sa Bagyong Kabayan – NDRRMC

Walang naitalang namatay sa naranasang Bagyong Kabayan sa Visayas at Mindanao region.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Director Edgar Posadas na batay sa pinakahuling record, may isa ang nawawala habang isa ang nasugatan.

Umaasa si Posadas na makita ang isang indibidwal na nawawala.


Sa kasalukuyan, ayon kay Posadas na base sa kanilang monitoring, nasa mahigit 25,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo, katumbas ito ng higit 86 libong mga indibidwal sa 279 mga barangay sa tatlong rehiyon, kabilang ang Caraga, Regions 10 at 11.

Mayroon din aniyang naitalang mga stranded sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao pero dahil gumaganda na ang lagay ng panahon, sinabi ni Posadas na marami na rin naman ang nakasakay ng barko patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Facebook Comments