Isa NPA patay sa 3 magkakahiwalay na engkwentro sa Mindoro

Nasawi ang isang miyembro ng New Peoples Army sa isa sa tatlong magkakahiwalay na engkwentro sa Victoria Oriental Mindoro.

 

Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban ang tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army tinatayang  30 miyembro ng NPA Kilusang Larangang Gerilya  ang nakasagupa ng  tropa ng militar na nagsimula kahapon ng alas 5 ng umaga sa Sitio Kipot, Brgy Loyal, Victoria.

 

Sa pangalawang engkwentro sa Sitio Pamuwisan sa baranggay Loyal  kahapon ng tanghali, narekober ng nga tropa ang bangkay ng napatay na NPA member na kinilalang si Mervin Malucon alyas “wally”, isang M14 rifle at 12 magazine, mga bala ng m14 at M60, IED, 6 na celphone at mga mahahalagang dokumento.


 

Nakaenkwentro uli ng mga sundalo ang grupo ng NPA sa ikatlong pagkakaton kaninang 8:30 ng umaga, kung saan narekober ng mga tropa ang isang M16 rifle.

 

Nagpapatuloy ang pursuit Operations sa grupo ng NPA, na pinaniniwalaang nagtamo ng maraming sugatan base sa mga bakas ng dugo sa encounter site.

 

Ang operasyon ay kinasa ng militar at pulis matapos isumbong ng mga residente  sa lugar ang ginagawang pangongotong ng mga  teroristang komunista.

Facebook Comments