Manila, Philippines – Isa pang person deprived with liberty o PDL’s ang kusang sumuko sa Binondo, Maynila.
Ito ay bukod pa sa nadakip na PDL’s sa Moriones sa Tondo kung saan nakilala ang sumuko na si Erna Deymos na may kasong murder.
Si Deymos ay nakinabang at napalaya dahil sa GCTA law kung saan nasentensyahan siya noong Marso 21, 2008 at nakulong sa Iwahig Prison and Penal Farm pero napalaya naman noong October 26, 2016.
Boluntaryong sumuko si Deymos dakong alas 10:15 kagabi sa Intel Tracker Team ng Binondo Police Station 11 at nakatakda naman itong i-surrender ng pulisya sa Bureau of Corrections (BuCor).
Samantala, pansamantala munang ipinatigil ni National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar ang inilunsad na tracking team na aaresto sa mga napalayang inmates sa ilalim ng GCTA.
Facebook Comments