
Dinala na sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City ang isa sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA na akusado ng anomalyang flood control project sa Najuan, Oriental Mindoro.
Matapos na ilabas ng Sandiganbayan 6th Division ang commitment order nito na nagtatakda kung saang piitan dadalhin ang akusado.
Kinilala opisyal na si Montrexis Tamayo, OIC-Chief ng Planning and Design Division ng naturang ahensya na kabilang sa 289.5 road dike
Nagtungo sa 5th at 6th Division ang akusado na inescortan ng mga tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group ng NCRPO sa Sandiganbayan upang sumailalim sa booking procedure para sa kinakaharap nitong kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation.
Naaresto ang opisyal sa Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon, November 25 matapos na makumpirma ng pulisya ang pag-uwi nito sa bansa.
Bago dalhin sa Sandiganbayan ay nanatili muna ang akusado sa Camp Crame sa Quezon City.
Samantala, tikom naman ang bibig ng opisyal tungkol sa pagkakasangkot nito sa nangyaring katiwalian.
Si Tamayo ang ikasiyam sa labing anim na opisyal ng DPWH-MIMAROPA na hawak na ng awtoridad.









