Isa pang akusadong kasama nina Atty. Roque at Cassy Ong sa kasong qualified trafficking in persons, naaresto ng CIDG sa Pampanga

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa pang akusadong kasama nina Atty. Harry Roque at Cassandra Ong sa kasong Qualified Trafficking in Persons, sa isinagawang manhunt operation sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boss Terry”, 44 na taong gulang, Chinese National at isa sa mga Administrative officers ng Lucky South 99 at in-charge umano sa pag-torture sa mga Chinese POGO employees.

Si alyas “Boss Terry” ang pangatlong naaresto sa nasabing 51 akusado na kinabibilangan nila Atty. Roque at Cassy Ong.

Matatandaan na noong May 15, nang magdepoloy ng tracker teams ang CIDG para hulihin ang 51 akusado na may Warrant of Arrest for Qualified Trafficking in Persons.

Kung saan nauna nang naaresto noong Mayo 22 si alyas “Marlon”, Operation Officer ng Security Agency at noong May 29 si alyas “Mariano”, isa sa mga security guard nang mangyari ang qualified trafficking in persons sa Lucky South 99 Outsourcing Inc., isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.

Kaugnay nito, nahaharap ang nasabing naarestong suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 kaugnay ng Qualified Trafficking in Persons na walang inirerekomendang piyansa.

Facebook Comments