Novavax na lamang sa ngayon ang bakuna kontra COVID-19 na naghayag din ng intensyong magkaroon ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo na hindi pa kumpleto ang mga dokumentong isinumite ng Novavax.
Naghihintay lamang aniya sila na maisumite ng Novavax ang kumpletong requirements bago simulan ang ebalwasyon.
Ayon kay Domingo, katulad ng ibang mga COVID-19 vaccine, madali lamang silang naglalabas ng EUA basta kumpleto ang dokumento.
Matatandaang pinakahuling nabigyan ng EUA ng FDA nitong nakalipas na buwan ay ang Sinopharm.
Facebook Comments