Isa pang bansa sa Africa, nagbukas na rin para sa Filipino travelers

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbukas na rin sa inbound at outbound restrictions sa Filipino travelers ang Niger sa Africa.

Gayunman, kailangan anilang mahigpit na sundin ng mga Pinoy ang medical protocols na ipinatutupad ng nasabing bansa.

Mahigpit din na paalala ng DFA na dapat laging makipag-ugnayan ang mga Pinoy sa kanilang airlines bago bumiyahe dahil sa mga biglaang pagbabago.


Mahalaga rin anila na makipag-ugnayan ang mga Pinoy sa embahada o konsulada ng Pilipinas bago ang kanilang flights o bago magpa-book ng ticket sa airlines.

Facebook Comments