Isa pang barko ng Philippine Coast Guard, tumulak na patungong Bohol para maghatid ng LSIs

176

Naglayag na rin patungong Bohol ang BRP Cape Engaño (MRRV-4411) ng Philippine Coast Guard (PCG) sakay ang 25 Locally Stranded Individuals (LSIs) mula Manila.

Bago ang send-off, sumailalim muna sa rapid antibody test para sa COVID-19 ang naturang LSIs.


Tumanggap din sila ng grocery supplies at financial aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) at sa tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng direktiba ni President Rodrigo Roa Duterte na ibigay ang mga pangangailangan ng LSIs na magbabalik-probinsya.

Facebook Comments