Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.
Inilabas kasi ng Palasyo ng Malacañang ang isa pang litahan ng mga bagong appointees ng Pangulo na may petsang July 16, 2017.
Kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo ay sina dating Manila City Vice Mayor Isko Moreno Dagohoy bilang miyembro ng board of Directors ng North Luzon Railways Corporation.
Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte sa Bureau of Customs si Franklin Quijano bilang Administrator at Chief Executive Officer at Board Director ng Philippine Veterans Investment development Corporation industrial Authority.
Director III naman ng Bureau of Customs si dating navy Lt. Senior Grade James Layug, na kabilang sa Magdalo soldiers.
Matatandaan na nitong Lunes lang ay nanumpa sa posisyon ang mga nauna nang Appointees ni Pangulong Duterte kung saan umaasa ang pangulo na wala sinoman sa kanyang mga itinalaga sa posisyon ang masasangkot sa katiwalian at tumulong para linisin ang pamahalaan.