Isa pang batch ng Pinoy repatriates mula Lebanon, darating sa bansa mamayang gabi

Nasa biyahe na pauwi ng Pilipinas ang isa pang batch ng Filipino repatriates mula Lebanon.

Sila ay binubuo ng 8 Overseas Filipino Workers (OFWs) na pawang naipit sa gulo ng Israel at Hamas.

Ang naturang grupo ay ang huling batch na nagpatala para sa voluntary repatriation.


Alas-dies mamayang gabi lalapag ang Qatar Airways flight na sinasakyan ng Pinoy repatriates.

Facebook Comments