Isa Pang Biktima ng Pagkalunod dahil sa Pagbaha sa Isabela, Natagpuan na

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan na ang katawan ng isang lalaki na wala ng buhay matapos malunod sa kasagsagan ng malawakang pagbaha sa Probinsya ng Isabela partikular sa Brgy. Sto. Tomas, Ilagan City.

Nakilala ang biktima na si Hilario Bersamin, 63 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ilagan City, una ng naiulat na nawawala ang nasabing biktima noong huwebes (December 5, 2019) matapos magtungo sa kanyang mga pananim na mais at di nito namalayan ang pagtaas ng lebel ng tubig hanggang sa hindi na ito nakabalik sa kanilang tahanan.


Matatandaang ayon kay Brgy. Kapitan Shalee Claro ng Sto. Tomas, alas tres ng madaling araw noong huwebes ng hindi na ito makabalik mula sa kanyang kubol na kalapit ng mga pananim ng mais matapos iulat ng isang Brgy. Kagawad na kanyang Manugang

Sa ngayon ay nasa isang punerarya na ang biktima matapos ang insidente.

Facebook Comments