Pormal nang binuksan sa publiko ang COVID-19 treatment facility na sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Manila South Harbor.
Nakumpleto na kasi ang pagsasaayos sa naturang pasilidad sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard at ng Manila City Government
Layon nito na makatulong sa mga government hospital at sub-national laboratories ng Department of Health (DOH) na matugunan ang tumataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 lalo na sa National Capital Region (NCR) at mga karating na lugar.
Ayon sa DOTr, ang Pier 15 COVID-19 treatment facility ay mayroong 211 cubicles na hinatihati sa iba’t-ibang zone para sa mild COVID-19 cases, advanced at para sa may severe infections.
Magsisilbing mga frontliner dito ang mga tauhan ng DOH at Philippine Coast Guard sa tulong na rin ng mga tauhan ng PPA.