Isa pang DepEd personnel mula sa Pangasinan, nag self-quarantine matapos mag biyahe sa Taiwan

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na nadagdagan naman ang bilang ng kanilang mga personnel na sumailalim ng self-quarantine matapos itong magbiyahe sa Taiwan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, dumating sa bansa ang nasabing DepEd personnel noong February 10, ngayong taon.

Tumangging ibigay ang pangalan ng DepEd personnel, pero aniya, ito ay nagmula sa Pangasinan DepEd Division II.


Aniya, hindi naman magdedeklara ng class suspension kung saang lugar galing ang nasabing manggagawa ng DepEd dahil agad naman itong sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Iginiit naman niya na nagpapatuloy naman ang ginagawang mga hakbang ng DepEd upang maiwasan ang pagkalat o mahawaan ang mga mag-aaral sa buong bansa laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nauna nang nag self-quarantine ang dalawang DepEd personnel na mula sa Misamais Occidental na may history ng travel sa Australia at mula sa Malaybalay, matapos naman pumunta ng China na nabigyan na ng medical clearance noong February 17.

Facebook Comments