Isa pang doktor sa Pinas, pumanaw dahil sa COVID-19

Image from Philippine Heart Association

Isa pang doktor sa bansa na sumusuri at tumutugon sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasawi, Martes ng madaling araw.

Sa pamamagitan ng social media, kinumpirma ng Philippine Heart Association ang pagpanaw ng kanilang dating pangulo na si Dr. Raul Diaz Jara dahil sa komplikasyon.

Kabilang si Jara sa mga manggagamot ng Philippine Heart Center (PHC) na positibo sa naturang virus.


“It is with profound sadness that we announce the loss of one of the great pillars of cardiology, PHA past president Dr. Raul Diaz Jara. He was a great father, teacher, mentor, poet, author, singer, colleague, friend,” bahagi ng Facebook post ng PHA.

Inilarawan si Dr. Jara bilang isang magaling at respetadong Cardiologist na palaging nagbibigay ng payo at kaalaman tungkol sa medisina.

“One who made you sweat as he bombards you with questions but would suddenly make you feel at ease as he breaks into a smile. Each trainee he encountered and had taught always has a story to tell about him,” dagdag ng asosasyon.

Labis naman ang pasasalamat ng naulilang kaanak sa mga doktor at nurse ng PHC na umagapay sa kanilang ama hanggang sa huling hininga nito.

“We are especially grateful to staff who took care of him and have gone way and beyond their call of duty, as they treated him with compassion, like their own family,” pahayag ng pamilya.

Nanawagan ng donasyon ang lalaking anak ni Dr. Jara para sa personal protective equipment (PPE) na gagamitin ng mga health worker na naka-duty sa mga ospital.

Sa huling datos ng Department of Health, pumalo na sa 500 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 33 ang namatay at 19 naman ang gumaling.

Facebook Comments