Isa pang empleyado ng kamara, kumpirmadong nagka COVID-19

Isa pang empleyado ng kamara ang nagkasakit ng COVID-19.

Sa ipinadalang mensahe ni House Secretary General Jose Luis Montales, taga printing service ulit ang nagpositibo sa COVID-19.

Huling pumasok ang empleyado noong March 5 at nagleave na ito noong March 6.


Nabalitaan nilang March 7 nang isugod ito sa pagamutan at unang diagnosis ng doktor ay Dengue.

Isinailim ito sa COVID-19 test nitong March 12 at 14 at ngayon lamang lumabas ang result na positibo ito sa COVID-19.

Hindi pa tiyak kung nahawa ito sa unang empleyado ng printing services ng kamara nagka COVID-19 at nasawi nitong madaling araw ng Linggo.

Humihingi naman ng panalangin ang mababang kapulungan para sa pagbuti ng kalagayan ng kanilang empleyado.

Hinikayat din ang mga kawani ng Kamara na manatiling kalmado at makiisa sa ipinapatupad na safety protocols sa House of Representatives at sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments