ISA PANG GATE NG MAGAT DAM, BUBUKSAN NGAYONG UMAGA

CAUAYAN CITY- Magpapakawala ng karagdagang isang (1) meter gate opening ng NIA-MARIIS sa pamamagitan ng Dam and Reservoir Division sa Magat Dam ngayong alas-10 ng umaga.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa dam dulot ng TST “Bebinca” at Southwest Monsoon.

Ang pagpapakawala ay may lakas na 378 cubic meter per second kung saan isang (1) gate ang binuksan at may taas na dalawang (2) metro.


Dahil dito, pinag-iingat ng NIA-MARIIS ang mga naninirahan malapit sa Magat River hinggil sa isasagawang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Samantala, maaari namang mabago ang antas ng tubig na papakawalan sa naturang dam depende sa tubig na maiimbak sa reservoir.

Facebook Comments