
Nadiskubre ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang ghots flood control project sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan.
Batay sa bidding document ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ito ang Reinforced Concrete Riverwall Project na nagkakahalaga ang proyekto ng halos higit ₱55 million.
Ayon sa Pangulo, idineklara aniya itong tapos na o 100% complete noong Hunyo at fully paid pero ngayong umaga ay walang bumungad sa kanila na flood control.
Sabi ng Pangulo, simula nang ilunsad ang Sumbong sa Pangulo website ay napakarami nilang reports na natatanggap at isa nga itong ghost flood control sa halimbawa ng pang-aabuso.
Kasunod nito, nagbabala si Pangulong Marcos na hindi lang mananagot ang mga contractor na nagpabaya sa kanilang trabaho kundi dapat gawin nila ang naturang proyekto.









