Isa pang grupo, kukwestyunin sa SC ang 2025 budget

Plano ng grupo nina dating Undersecretary for Finance Cielo Magno maghain ng hiwalay na reklamo sa Supreme Court upang kwestyunin ang pagkakaayon sa Saligang Batas ng Republic Act 12116 o ang General Appropriations Act (GAA) of 2025.

Naniniwala si Magno na ang 2025 budget ay idinisenyo upang palakasin ang pananatili sa poder ng mga korap at traditional politicians.

Tinukoy ni Magno ang mga pondo na sa halip na mapunta sa serbisyo publiko ay inilipat ito sa AKAP at AICS.


Pinalalakas lang aniya nito ang politics of patronage at iniinsulto ang taumbayan.

Umaasa si Magno na magpapasiya ang Korte Suprema ng naayon sa kapakanan at interes ng publiko.

Nanawagan si Magno sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na ilabas ang listahan ng mga benepisaryo ng mga Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) upang maiwasan ang pagdududa ng publiko sa paggagamitan nito.

Ani Magno, ang panawagan ngayon sa rally sa EDSA Shrine ay Ang pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon.

Facebook Comments