Isa pang Grupo ng mga Residente sa Mindanao, sumali na rin sa Petisyon kaugnay ng BOL

Tatlong indibiduwal ang naghain kanina ng motion for leave to intervene sa usaping nakabinbin sa Korte Suprema laban sa Bangsamoro Organic Law.

Ayon kina Atty. Manuelito Luna, Atty. Nasser Marohomsalic at CPA Amanoding Esmail, ng Philippine Association of Islamic Accountants,  dapat ibasura na lamang ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ni Sulu Gov. Abdusakur Tan II dahil sa kawalan ng merito.

Sa kanilang motion for leave to file intervention and admit attached answer-in-intervention, nais ng grupo ng intervenor na pagtibayin ng Korte Suprema ang RA 11054 o  BOL dahil nabusisi naman aniya ito ng maayos ng Senado at Kamara.


Hiniling din ng mga intervenor sa Supreme Court na ipawalang-saysay ang hinihinging provisional remedies ni Sulu Gov. Tan dahil sa pagiging depektibo nito.

Panahon na anila na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao na ilang dekada nang dumaranas ng gulo.

Una rito, naghain ng motion for intervention ang grupo ng Philippine   Constitution Association o Philconsa  laban sa  BOL.

Facebook Comments