Isa pang hinihinalang mass grave ng mga Parojinog, nadiskubre

*Manila, Philippines – *Nadiskubre ang isa pang hinihinalang mass grave kung saan itinapon ang mga pinapatay umano ng pamilya Parojinog sa barangay Capucao, Ozamiz City.

Sa lalim na halos 10 talampakan, narekober ang mga damit at mga buto ng tao.

Nang lumalim pa nag paghuhukay, mas marami pang buto ang nakuha pati lubid na posibleng ginamit na pangtali sa mga biktima.


Ayon kay Ozamiz Chief of Police, Chief Insp. Jovie Espenido – pinaghihinalaang biktima ang mga ito ng summary execution sa kamay ng pamilya Parojinog.

Dagdag pa ni Espenido – sa natagpuan nilang balon itinatapon ng mga parojinog ang kanilang mga biktima.

Sa tantya ng hepe apat na tao ang kanilang nahukay.

Sa ngayon, ipo-proseso ng PNP-SOCO ang mga buto para sa mas masusing imbestigasyon.

Facebook Comments