
Isa pang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inaasahang ihahain bukas, alas-diyes ng umaga, sa House of Representatives ng iba’t ibang sektor.
Ayon sa mga naghain, binubuo ang hanay ng mga complainant ng mga taxpayers, anti-corruption advocates, mga Pilipinong manggagawa, magsasaka, guro, at mag-aaral.
Inaasahan ding ii-endorso ang reklamong impeachment ng Makabayan Bloc, na kinabibilangan nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Representative Sara Elago, at Kabataan Party-list Representative Rene Co.
Batayan ng impeachment complaint ang betrayal of public trust, na umano’y nag-ugat sa sistematiko at malawakang plunder o pandarambong sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng presidential at congressional allocations sa ilalim ng national budget.
Kasama rin sa mga alegasyon ang umano’y pang-aabuso sa unprogrammed appropriations, na sinasabing ginamit upang pondohan ang mga maanomalyang infrastructure projects at iba pang anyo ng kickbacks.










