Isa Pang Isla Sa West Philippine Sea, Sinakop Ng China

MANILA – Isa na namang isla na sakop ng Pilipinas ang inangkin ngayon ng China sa West Philippine Sea.Sa ngayon ay nasa kontrol ng China ang Quirino o Jackson island na malaking source ng mga mangingisda mula sa Palawan, Southern Luzon, Western Visayas at Maynila.Sa ulat, hindi umaalis ang gray at puting barko ng China sa naturang isla.Ayon sa mga mangingisdang Pinoy, hindi sila pinapayagan ng mga Chinese vessels na makalapit man lang sa Quirino Island.Sinabi naman ni Kalayaan Mayor Eugenio Bito-Onon Jr., na mahigit isang buwan nang nananatili ang mga barko ng China sa naturang isla.Una nang nanawagan ang Pilipinas sa China na irespeto ang ilalabas na ruling ng United Nations-Backed Arbitral Tribunal sa Hague, Netherlands.Samantala, tinawag namang iresponsable ni Chinese Foreign Minister Wang ang Pilipinas dahil sa pag-file nito ng arbitration case matapos magmatigas ang China na hindi alisin ang kanilang barko sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments