Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong katiwalian na inihain laban kay dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang pagpopondo sa training ng Philippine Olympians.
Iginiit ng Antigraft Court 3rd Division na hindi na kailangan ang isa pang kaso dahil ang P9 Million na nakasaad sa charge sheet ay kasama na sa P37 Million sa isa pang kaso.
Base sa impormasyon ng mga kaso, nagsabwatan si Genuino at pitong iba pang kapwa-akusado sa pag-release ng halagang P37 million sa Philippine Amateur Swimming Association Inc. (PASA) para sa pagsasanay ng swimmers na kalahok sa 2012 Olympics.
Ayon sa Ombudsman, hindi dumaan sa pag-apruba ng PAGCOR Board of Directors anga cheke na inisyu sa pagitan ng April 2007 hanggang August 2009.