Isa pang kaso ng Omicron variant ng COVID-19, naitala sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.

Ang pasyente ay isang returning Filipino mula Qatar na may travel history sa Egypt.

Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, naturang 36-anyos na Pinoy ay dumating noong Nov. 28 sa Mactan-Cebu International Airport via Qatar Airways flight QR 924.


Aniya, asymptomatic naman ito nang dumating sa bansa at nakunan siya ng sample noong Disyembre 4 at kinabukasan lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Noong Disyembre 19 ay negatibo na ito sa repeat RT-PCR test.

Kinumpirma rin ni Vergeire na Nakumpleto naman ng pasyente ang kanyang isolation sa Cebu bago ito umuwi sa kanilang tahanan sa Cavite kung saan siya nagpapatuloy ng home quarantine.

Facebook Comments