Isa pang kongresista, binawi ang kanyang naunang boto na pumapabor sa Anti-Terrorism Act of 2020

Isa pang mambabatas ang nagdesisyong bawiin ang kanyang naunang boto na pumapabor sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa isang sulat para kay House Secretary General Jose Luis Montales, hiniling ni House Committee on Ways And Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na gawing “abstention” ang kanyang naging boto.

Una rito, nagdesisyon din si Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na umatras bilang co-author ng House Bill (HB) No. 6875 o ang Anti-Terrorism Law na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong Miyerkules.


Paliwanag ni Salceda, bagama’t maganda ang layunin ng batas sa paglaban sa terorismo ay kinakailangan munang amyendahan ang ilang probisyon nito para na rin maprotektahan ang karapatan ng publiko.

Facebook Comments